Isasailalim sa yellow alert status ang Luzon Grid ngayong Linggo ng gabi, habang halos 30 power plants ang nasa forced outage o di kaya ay running on derated capacities kasabay ng unang bagyong hinaharap ngayon ng bansa sa taong ito.
Sa isang abiso, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ilalagay sa yellow alert status ang Luzon Grid mula 8 p.m. hanggang 10 p.m. at mula 11 p.m. hanggang 12 a.m. sa Lunes, Mayo 27, 2024.
Batay sa ulat, mayroong peak demand na 10,776 megawatts ang grid, kumpara sa available capacity na 11,127 megawatts dahil may 4,417.5 megawatts unavailable sa grid.
Ito ay sa gitna ng tatlong planta na nasa forced outage mula 2023, dalawa mula Enero hanggang Marso 2024, at 17 mula Abril hanggang Mayo, habang anim naman ang nagpapatakbo sa mas mababang kapasidad.
Ang yellow alert ay nangangahulugang hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang transmission grid’s contingency requirement
Ang kasalukuyang abiso ay inilabas kasabay ng nararanasang unang bagyo ng bansa na si Aghon, na may Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) 2 na sa northern at central portions ng Quezon, kabilang na ang Polillo Islands.