Muling nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hinggil sa brownout na posibleng maranasan sa bahagi ng Luzon ngayong araw.
Ito’y matapos nilang isailalim sa “Yellow Alert” ang Luzon Grid dulot ng nagkulang na reserba ng enerhiya para sa operasyon.
Dahil dito, posible raw makaranas ng brownout ang ilang lugar mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga; at ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.
“In case of supply deficiency, corporations and commercial establishments participating under the Interruptible Load Program (ILP) are ready to use their generator sets to help prevent / minimize incidents of power outage,” payo ng Manila Electric Company (Meralco).
Nauna ng sinabi ng Department of Energy na may sapat na supply ng enerhiya ang bansa para sa buong taon.
Normal lang din daw ang pagnipis sa energy supply tuwing panaho ng tag-init.