-- Advertisements --
Itinaas ngayong Biyernes ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon grid.
Sa isang advisory, sinabi ng NGCP na ang Luzon grid ay nasa yellow alert mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Ang available capacity ngayon ng Luzon grid ay 11,544 megawatts, at ang peak demand naman ay 10,632 megawatts.
Nauna nang itinaas sa yellow at red alerts ng NGCP sa Luzon grid dahil sa manipis na electricity reserves.