Itinaas sa red alert ang Luzon grid ngayong araw ng Sabado.
Sa inilabas na abiso ng National grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaninang 12PM, inilagay ang grid sa red alert bandang 1pm na magtatagal hanggang alas-12 ng madaling araw ng Linggo, Hunyo 2.
Ang pagtaas ng red alert sa naturang grid ay dahil sa outage ng Ilijan Block A at B.
Iniisyu ng grid operator ang red alert status kapag ang suplay ng kuryente ay hindi sapat para mapunan ang demand ng mga konsyumer at ang regulating requirement ng transmission grid.
Una ng nag-abiso ang Meralco sa mgaa customer nito sa mararanasang 2 oras na rotational brownout sa ilang lugar dahil sa pagpapatupad ng manual load dropping ngayong araw para mapanatili ang integridad ng power system.
Kabilang dito ang ISECO (parts of Ilocos Sur), NUVELCO (parts of Nueva Vizcaya), IFELCO (parts of Ifugao), PANELCO III (parts of Pangasinan), PELCO I (parts of Pampanga), SFELAPCO (parts of City of San Fernando, Pampanga), BATELEC II (parts of Batangas), FBPC (parts of Batangas), QUEZELCO I (parts of Quezon), CANORECO (parts of Camarines Norte) at MERALCO.