-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Energy ngayong Linggo, Marso 24, 2020 na maaaring sumailalim sa “Yellow Alert” ang Luzon’s power grid sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng El Niño sa hydroelectric power plants.

Batay sa pinakahuling simulation ng DOE, may hydroelectric power plants na tumatakbo nang mas mababa sa capacity level dahil sa El Niño phenomenon, rason kung bakit ang Luzon grid ay maaaring makaranas ng Yellow Alert sa Abril at Mayo habang ang Visayas at Mindanao grids ay magkakaroon ng normal reserve level sa ikalawang quarter ng taon.

Dahil dito, hinihimok ng kagawaran ang publiko na magtipid sa enerhiya habang naghahanda ang bansa sa tagtuyot.

Dagdag pa ng DOE, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon ng kuryente ng Pilipinas para matiyak ang seguridad ng enerhiya, lalo na sa susunod na tatlong buwan kung kailan mararamdaman ang mas mainit na temperatura.

Samantala, pinaalalahanan din ng DOE ang mga power generation companies na sumunod sa DOE-approved operation at maintenance program upang matiyak na matugunan ang mga target na operational date.

Una nang iniulat na nagsimula na ang dry season sa bansa noong Biyernes (Marso 22, 2024) ayon sa state weather bureau.