-- Advertisements --
Nakataas ngayong araw ang yellow alert status para sa Luzon Grid dahil sa manipis na supply ng koryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), dulot ito ng hindi inaasahang shutdown at limitadong generation ng ilang power plants na nagsu-supply sa Luzon.
Epektibo ang yellow alert mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon at panibagong alerto bandang alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
Sa kasalukuyan, may available capacity lamang ang Luzon Grid na 10,115 megawatts, ngunit ang demand ay pumapalo ng 9,491 megawatts.
Kung tataas pa ang gamit sa koryente, maaaring mangahulugan ito ng brownout sa ilang lugar.