Naglabas ng yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa mga siniserbisyuhan ng kanilang Luzon grid.
Ang yellow alert ay nangangahulugan ng manipis na reserbang power supply.
Maaari ring makapagtala ng pagkawala ng koryente sa ilang lugar kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon.
Sakop ng alerto ang mga oras na alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon, balik ang babala pagsapit ng alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Ang pagnipis ng reserba ay bunsod ng mga nagkaaberyang planta.
Kabilang sa mga ito ang: Sual1 (647MW), Masinloc3 (315MW), Avion1 (50MW) at Avion 2 (50MW).
Nabatid na nauna nang naitakda ang pansamantalang shutdown ng Malampaya Natural Gas facility, kaya walang mapagkukunan ng agarang supply para punan ang mga bumagsak na planta.