-- Advertisements --

Inaasahang mayroong sapat na suplay ng kuryente sa Luzon grid ngayong linggo ayon sa Department of Energy (DOE).

Ito ay matapos na makaranas ang ilang lugar ng rotational brownouts noong weekend.

Ayon kay DOE Assistant Mario Marasigan, balik na sa full capacity ang Pagbilao Unit 2 at Quezon power plant ngayong linggo.

Sa kasalukuyanm mayroon pang 16 na planta ng kuryente ang hindi nagooperate habang 6 naman ang gumagana sa derated capacity.

Maalala, nitong weekend aabot sa 2 milyong kustomer ng Meralco ang naapektuhan ng rotational brownouts sa Metro Manila gayundin sa ilang parte ng Central Luzon at CALABARZON.

Ito ay matapos na itaas sa red alert ang Luzon grid na nanganghulugan ng manipis na suplay ng kuryente na hindi sapat para matustusan ang deman ng konsyumer at regulating requirement ng transmission grid.