-- Advertisements --

Isasailalim muli sa yellow alert status ang Luzon power grid ngayong araw ayon sa National Grid Corporation of the Philippines.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa nararanasang forced outage ng ilang mga power plant sa naturang transmission grid.

Sa abiso ng NGCP, isasailalim sa yellow alert status ang Luzon Grid mula alas-2:00pm hanggang alas-4:00pm, at mula alas-6:00pm hanggang alas-10:00pm dahil dito ay makakaranas ng mas manipis na supply ng kuryente ang mga lugar na nasasakupan nito.

Kung maaalala, una nang ipinaliwanag ng ahensya na inilalabas ang yellow alert status sa tuwing hindi nagiging sapat ang operating margin sa contingency requirement ng isang transmission grid.

Patuloy pa rin na inaabisuhan ang publiko na patuloy na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente.