Nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa posibleng epekto ng pagnipis sa supply ng kuryente.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga malaki ang tsansang tumaas ang singil sa kuryente dahil nagkakaroon ng pressure sa spot market tuwing numinipis ang supply nito.
Nauna ng nilinaw ng Department of Energy (DOE) na hindi maaaring mauwi sa brownout ang pagnipis ng reserba.
“The DOE is closely coordinating with the power industry players to ensure the delivery of electricity services to consumers. It includes the facilitation of incoming plants that are undergoing commissioning and testing, such as Masinloc3 for Luzon and TVI2 for Visayas,” ayon sa DOE.
Nitong araw nang muling isailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid na nagdulot ng pagnipis sa electric supply ng rehiyon mula alas-10:00 hanggang alas-11:00 nitong umaga.
Mararanasan din daw ito mamayang ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.
Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang nangyaring shutdown sa apat na planta ng kuryente, kabilang na ang Masinloc powerplant sa Zambales
Sa ngayon ilang planta raw muna ang nagbawas ng distribusyon ng kuryente.
Ito na ang ikatlong beses na numipis ang supply ng Luzon Grid mula Marso.