-- Advertisements --

Muling ilalagay ang Luzon grid sa yellow alert ngayong araw ng Martes, hunyo 4.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ipapairal ang yellow alert sa grid mula mamayang alas-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon at mula alas-6 ng gabi hanggang alas-12 ng madaling araw ng Hunyo 5.

Ang paglalagay sa naturang grid sa yellow alert ay dahil forced outage sa mga planta ng Quezon Power Philippines Ltd. (QPPL), Pagbilao 2, at San Lorenzo 50.

Samantala, unavailable naman ang Angat Main plant dahil sa mababang antas ng tubig habang nananatiling nasa derated capacity ang Masinloc 1, Masinloc 2, Calaca 2, at Ilijan A plants.

Sa kasalukuyan, mayroong available capacity ang grid na 14,461MW habang inaasahan ang peak demand na 13,612MW.