-- Advertisements --

Isasailalim ngayong araw, Abril 23, ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow at red alerts.

Ang yellow alert ay ipapatupad mula alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Samantala, ang red alert naman ay magiging effective mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na ang available capacity ng Luzon grid ay 10,576MW habang ang peak ng demand ay 10,536MW.