Nananatili pa rin sa yellow alert ang Luzon grid ngayong araw ng Miyerkules dahil ilang mga planta pa rin ng kuryente ang nasa forced outage o nasa derated capacities.
Sa abiso mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), muling itataas sa yellow alert ang grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-6 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.
Sa kasalukuyan, ang available capacity sa grid ay nasa 14,254 megawatts na kaunti lamang ang agwat mula sa inaasahang peak demand ngayong araw na 13,535 megawatts.
Nasa kabuuang 1,765.6 megawatts naman ang hindi available sa grid dahil sa pagkaubos ng suplay sa mga planta.
Ang pagtataas ng yellow alert sa Luzon grid ay dahil sa deratio ng Masinloc 1, Masinloc2, at Ilijan A, unavailability ng Angay Main dahil sa mababang antas ng tubig at forced outage sa power plants ng Pagbilao 2 at San Lorenzo 50.
Samantala, nananatili din sa normal conditions ang Visayas at Mindanao grid.