-- Advertisements --
Dalawang uri alerto ang inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa Luzon grid dahil sa manipis na reserbang kuryente.
Ayon sa abiso ng NGCP, nasa red alert ang Luzon sa mga oras na alas-11:00 ng umaga at alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.
Ang red alert ay nangangahulugan na maaaring magkaroon ng brownout sa ilang lugar sa loob ng nasabing panahon.
Habang nasa yellow alert naman sa mga oras na alas-10:00 ng umaga, alas-12:00 ng tanghali hanggang ala-1:00 ng hapon, alas-5:00 ng hapon at alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ang available power capacity ngayong araw ay 10,625MW, habang ang peak demand ay 10,313MW.