-- Advertisements --
IMAGE | South Luzon Thermal Energy Corporation, Batangas (PHINMA Energy Corp.)

Good news para sa mga residente ng Luzon dahil ngayong araw ay wala umanong aasahan na power interruption o brownout ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa advisory ng DOE, nag-issue ng normal condition National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid.

Ito ay sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon ng tatlong planta na nananatiling naka-shutdown dahil sa hindi planadong pagpalya.

“The NGCP issued a normal condition for Luzon Grid today,” ayon sa DOE.

Nitong umaga nang manumablik ang operasyon ng Sual Unit 1 sa Pangasinan na siyang may pinaka-malaking load ng enerhiya na 647-megawatts.

“This is due to the coming in of Sual Unit 1. A normal condition for the system means there will be no power interruptions,” dagdag ng kagawaran.

Bukas naman, araw ng Miyerkules hanggang Linggo ay inaasahan namang susunod na rin sa pagbabalik ng operasyon ang tatlong planta na naka-shutdown