Nakapagtala ang Luzon Grid ng aabot sa 14,016 megawatts na power peak demand kahapon.
Ito ay dahil na rin sa matinding init ng panahon sanhi ng umiiral na El Niño Phenomenon sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla ang naturang numero ng peak demand ay naitala dahil na rin yan sa paglagpas ng average demand ng luzon grid sa 13,917.
Samantala, kinumpirma ng kalihim na maaaring umabot pa sa susunod na buwan ang mga pagtataas sa red at yellow alert ng naturang grid.
Pinaalalahanan naman nito ang publiko na ugaliing magtipid ng pagkonsumo sa kuryente ngayong mataas ng demand nito tuwing tag-init.
Ito ay upang maiwasan na ang mga serye ng mga power interruptions dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente sa bansa.
Aminado naman ang opisyal na tuwing tag-init ay hindi maiiwasan na magkaroon ng kakulangan sa supply nito.