-- Advertisements --
Itinaas ang yellow alert sa Luzon power grid kaninang hapon matapos na makaranas ng forced outages ang apat na planta.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naunang inilagay sa yellow alert ang Luzon grid kaninang alas-10 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga at kaninang hapon 1pm hanggang 4pm.
Batay sa NGCP, ang apat na planta na nakaranas ng forced outage ay ang dalawang planta sa Bulacan GNPD 1 – 668MW at GMEC 2 – 316MW, at ang Calaca 2 – 240MW at SLPGC 3 & 4 na may 50 Megawatt sa Batangas.
Nakaranas din ng aberya ang isa pang planta sa Masinloc 1 sa Zambales na may 165MW.
Dahil dito, nasa kabuuang 1,439 unplanned unavailable energy sa Luzon grid na mayroon lamang net operating margin na 236 megawatts.