-- Advertisements --

cascolan 4

Arestado ng mga tauhan ng PNP intelligence group at Quezon City Police District (QCPD) ang isang bigtime recruiter na miyembro ng Dawlah Islamiyah ay kunektado sa Sulu based terrorist group na si Mundi Sawadjaan at sa Abu Toraype group sa Central Mindanao.


Kinilala ni PNP Chief Camilo Cascolan ang nahuling umano’y terorista na si Kevin Madrinan aka Ibrahim.

Inaresto siya sa may North Fairview Quezon City nitong alas 4:25 ng Sabado.

Ayon kay Cascolan, isang balik Islam si Madrinan at kabilang recruitment group ng local terrorist group na nag ooperate sa bansa.

Si Madrinan ang recruiter ng grupo ni Sawadjaan at Abu Turaife dito sa Luzon.

Sinabi ni Cascolan, patuloy ang imbestigasyon kay Madrinan ngayon ng PNP at inaalam kung may planong terroristic activity ang teroristang grupo.

Dahil dito, sinabi ni Cascolan na pa paiigtingin ng PNP ang pagbabantay sa mga border sa Metro Manila.

Hinakayat naman ng PNP ang muslim community na mag report sa pulis sakaling may ma-monitor na kahin hinalang personalidad sa kanilang mga lugar.

Ipinag utos ni Cascolan ang maigting na pagbabantay sa mga border sa Metro Manila at matataong lugar.

“Nakikiusap kami palagi sa komunidad na kung merong mga Kahina- hinalang mga tao na umiikot sa mga lugar nyo irepiry po agad sa mga pinakamalapit na police station,” wika ni Cascolan.