-- Advertisements --
Asahang titindi pa ang ulan at baha sa malaking parte ng Luzon hanggang sa pagpasok ng susunod na linggo.
Ayon sa Pagasa, habang papalapit ang low pressure area (LPA) sa lupa, mas lalakas ang hatak nito sa hanging habagat.
Partikular na makakaranas ng masamang lagay ng panahon ang Metro Manila, Ilocos, Calabarzon, Mimaropa, Zambales at Bataan, pati na ang Western Visayas.
Huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 780 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Lalo namang lalakas ang mga pag-ulan kapag tuluyang naging bagyo ang nasabing LPA.
Sa pagtaya ng Pagasa, magde-develop iyon bilang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.