WARSAW/LVIV – Tinawag ni US President Joe Biden si Russian leader Vladimir Putin na mamamatay tao na hindi dapat manatili sa puwesto.
Ginawa ni Biden ang naturang pahayag kasunod ng meeting niya sa mga Ukranian refugees sa Poland sa harap nang patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine.
“For God’s sake, this man cannot remain in power,” ani Biden.
Ayon sa isang opisyal mula sa White House, ang pahayag na ito ni Biden ay nangangahulugan lamang na pinaghahanda niya ang mga bansa sa iba’t ibang panig ng mundo sa posibleng mas pinalawig pang conflict.
Nabatid na bago pa man siya nagsalita sa labas ng Royal Castle sa Warsaw, apat na missiles ang tumama sa Lviv, na nasa 60 km lang ang layo mula sa Polish border.
Isa pang air strike ang nakapagdulot ng matinding pinsala sa mga imprastraktura sa Lviv pero masuwerte namang walang napaulat na namatay bunsod nito.