-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Humingi ng kooperasyon sa lahat ng panig na ang interim board of directors at general manager na naatasan ng Local Water Utilities Administration na resolbahin ang patung-patong na kinaharap na mga problema ng Cagayan de Oro Water District (COWD) sa Cagayan de Oro City,Misamis Oriental.

Ito ang kasagutan ni interim General Manager Fermin Jarales sa regular board of directors ng COWD na hindi ginalang at kinilala ang LWUA full takeover ng operasyon ng sistemang patubig ng syudad.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Jarales na malinaw sa kanila ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tumbukin at hanapan ng mga solusyon ang tambak na mga suliranin kaya sila pumasok sa COWD.

Inihayag nito na maghahanap sila ng makunan ng kalahating milyong piso bilang inisyal pagsagot sa matagal ng non-revenue waters na halos 50 porsyento na lalong pagpahirap sa COWD operations.

Maliban rito,hindi dapat sayangin ng Cagayan de Oro ang pagkakataon habang nakatutok pa si Marcos sa usaping ito na maaring pagbuhusa ng malaking pondo upang makaahon ng tuluyan ang pinakaunang water district ng bansa.

Magugunitang nasa higit dalawang bilyong piso ang kakailanganin upang magkaroon ng state of the art water pipelines ang COWD para mas bumagay ito ng pagiging highly urbanized category ng syudad.

Napag-alaman na bigla nang nag-iba ang paninindigan ng city government na dati ay salungat sa LWUA intervention subalit noong bumisita at ipinag-utos ni Marcos na resolbahin ng mga problemang kinaharap ng COWD ay umano’y todo-suporta na ito sa interim BODs at general manager.