-- Advertisements --

water

Kasalukuyan nang naghahanap ng paraan ang Local Water Utilities Administration(LWUA) upang matugunan ang pagkakasayang ng tubig sa labas ng National Capital Region(NCR).

Batay sa datus kasi ng naturang opisina, umaabot sa 488 million metriko tonelada o halos kalahati ng laman ng Angat Dam.

Ayon kay LWUA Chair Ronnie Ong, labis na mataas ang mga nasasayang na tubig, habang nagbabanta rin ang EL Nino, na maaaring maging pangunahing dahilan ng pagnipis ng supply ng tubig sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay Ong, kailangang maayos ang mga sistema na ginagamit ng mga water district sa labas ng Metro Manila upang hindi labis ang nasasayang na tubig.

Paliwanag ng opisyal, may ibang mga water district sa bansa na lumang-luma na ang kanilang ginagamit na pipe system, kung saan panahon pa raw ng mga hapon.

Kailangan aniyang maayos ang mga kahalintulad na problema upang malimitahan o matigil na ang pagkakasayang ng tubig sa bansa.