Dalawang indibidwal ang napaulat na nasaktan sa tumamang magnitude 5.8 na lindol na yumanig sa bahagi ng Abuyog, Leyte nitong Biyernes ng gabi, Mayo 3, 2024.
Sa inisyal na ulat ng Dulag Municipal Disaster Risk Reduction Office, isa sa naturang mga biktima ay buntis pa na hinimatay at nahulog sa hagdan sa kasagsagan ng naturang lindol, habang ang isa naman ay ang kaniyang katrabaho na tumalon mula sa mataas na lugar at nagtamo ng foot injury.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang assessment ng mga otoridad hinggil sa mga iba pang mga pinsalang idinulot ng naturang pagyanig sa lugar.
Habang una nang inabisuhan ng Dulag Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga residenteng nakatira malapit sa Coastal areas na agad na lumikas sa mas ligtas na lugar.
Samantala, sa datos naman na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng naturang lindol namataan sa 36 kilometers northeast ng Abuyoh, Leyte bandang alas-6:16pm, may lalim itong 10 kilometro at naramdaman din sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.