-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol nitong alas-5:50 ng umaga ang lalawigan ng Batangas.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ng naturang lindol ay namataan sa offshore na bahagi ng Calatagan, Batangas.

May lalim itong 132 km at tectonic ang origin nito.

Naitala naman ng kagawaran ang mga naramdamang intensity sa ilang panig ng bansa:

Intensity IV – Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity III – Calapan City, Oriental Mindoro; Malolos City, Bulacan; Quezon Cqity
Intensity II – Marikina City

Samantala, sa kasalukuyan ay nangangalap pa rin ng datos ang PHIVOLCS hinggil sa mga ulat ng pinsala na dulot ng nangyaring pagyanig sa mga apektadong lugar.

Nagbabala naman ang kagawaran sa publiko sa mga aftershock na posible pang maramdaman ngunit nilinaw na hindi naman ito magdudulot ng tsunami sa bansa.