-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Norweigan pop duo na M2M ang pagsasagawa nila ng konsiyerto sa bansa.

Sa kanilang social media account ay inanunsiyo nina Marit Larsen at Marion Raven ang kanilang “The Better Endings” Tour sa susunod na taon.

Makikita sa nasabing post ang mga mapa ng Europa, Africa, Asia at Oceania maging ang mga bansa gaya ng Pilipinas, Indonesia at Thailand.

Ang surpresang reunion ay naganap matapos ang 22 taon noong sila ay maghiwalay bilang duo noong 2002 para magpursige ng kanliang solo careers.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “Pretty Boy”, “Mirror, Mirror” , “Don’t Say You Love Me” , “Everything You Do” at maraming iba pa.