-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ng Norweigan duo na M2M ang pagkakaroon ng ikalawang araw ng kanilang konsiyerto sa bansa.

Ito ay matapos na mabilis na ma-sold out ang tickets ng kanilang konsiyerto sa Mayo 1, 2025.

Mula kasi ng simulan ang bentahan ng tickets sa online nitong Oktubre 26 ay naubos na agad ito.

Sa kanilang social media account ay inanunsiyo nila na sisimulan ang pagbebenta ng tickets para sa ikalawang gabi sa darating na Oktubre 30.

Labis ang pasasalamat ng dalawa sa mga Pinoy fans nila dahil sa pagmamahal na ipinakita ng mga ito.