-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Norweigan pop duo na M2m ang kanilang pagsasama muli matapos ang mahigit na 20 taon.

Sa social media account ng grupo, makikita sina Marit Larsen at Marion Ravn na kumakanta ng kanilang hit song na “The Day You Went Away”.

Hindi naman kinumpirma ng dalawa kung magkakaroon nga ba ng reunion ang dalawa.

Nagsimula ang M2M sa hit song nila na “Don’t Say You Love Me” noong 1999.

Matapos ang isang taon ay inilabas nila ang kanilang album na “Shades of Purple”.

Naghiwalay ang dalawa para mag-solo career noong 2002.