-- Advertisements --

Naglunsad ng kanilang official Instagram account ang duo na M2M.

Noong nakaraang buwan kasi ay ginulat ng dalawa na sina Marion Raven at Marit Larsen ng maglabas sila ng video na kinanta ang hit song nila na “The Day You Went Away”.

Mula noong ilabas ang video ay marami sa kanilang fans ang nasabik sa kanilang pagbabalik.

Naging magkaibigan ang dalawa mula pa noong sila ay limang-taong gulang kaya naging matatag ang pundasyon ng kanilang samahan.

Taong 1999 ng ilabas ng dalawa ang kanilang unang album na “Shades of Purple”.

Pinasikat ng dalawa ang mga kanta gaya ng “Don’t Say You Love Me” , “The Day You Went Away” at maraming iba pa.

Noong 2002 ng ilabas nila ang ikalawang album na “The Big Room” hanggang sila ay nag-solo ng career.