-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Batanes group of Islands bandang alas-9:47pm kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa datos ng PHIVOLCS ay tinatayang nasa 107 kilometro northwest ng Itbayat, Batanes ang epicenter nito at may lalim na 24 kilometro.

Tectonic naman ang origin nito.

Wala naman napaulat na intesities at damages na dulot ng naturang pagyanig ngunit inaasahan naman na makakaranas ang mga residente ng mga aftershocks.