-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na maaaring magtanggal ng face shield ang mga manonood sa loob ng mga sinehan, na nakatakdang magbukas ulit sa susunod na linggo.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na puwedeng alisin ng mga moviegoer ang kanilang mga face shield ngunit kinakailangan na laging suot ng mga ito ang kanilang mga face mask.

Kung gusto rin naman ng moviegoer, puwede rin naman nilang suotin ang kanilang face shield habang nanonood.

Nauna nang sinuportahan ng OCTA Research Group, na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa COVID-19 data, ang panukalang pag-alis ng mga face shield sa loob ng mga sinehan.

Magugunitang sa Nobyembre 10 ay nakatakdang muling magbukas ang mga sinehan sa Metro Manila.

Required ang mga sinehan na mag-disinfect bago at pagkatapos ipalabas ang pelikula.

Nakasaad sa guidelines ng DTI, dapat may 1-meter distance sa pagitan ng mga moviegoer kahit pa sila’y magkakapamilya o magkakasama sa iisang tirahan.

Ipagbabawal naman umano ang pagkain sa loob ng sinehan pero papayagan ang pag-inom ng tubig para sa emergency o health purpose.