-- Advertisements --

VIGAN CITY – Napaghandaan umano ng pamahalaan ng Austria ang paglaganap ng COVID- 19 kaya hindi gaanong marami ang bilang ng nga naapektuhan ng nasabing sakit kung ikukumpara sa mga bansang kasama nito sa kontinte ng Europa.

Sa report sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Maureen Amano, direkta sa Vienna, Austria, sinabi nito na kaagad na gumawa ng hakbang ang pamahalaan nang lumaganap ito sa China kaya naagapan ang paglobo ng bilang ng mga COVID- 19 cases sa nasabing bansa.

Ayon kay Amano, nauna umanong ipinasara ng Austrian government ang mga paaralan, kasama na ang mga hindi priority establishments at naabisuhan ang publiko na manatili sa loob ng kani-kanilang mga tahanan kung wala namang importanteng lakad, maliban na lamang kung bibili ng suplay at kung papasok sa trabaho.

Ipinagmalaki nito na wala naman umanong problema sa health care system ng Austria dahil bawat residente ng nasabing bansa ay mayroong health insurance na malaking tulong sa kanila sa mga ganitong sitwasyon.