-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tanging nakikitang paglabag ng Naval Forces Southern Luzon (Navforsol) ang maagang pagbiyahe ng kontrobersyal na MV Tug Clyde sa Butuan, dahil kumpleto naman ang mga dokumento nito.

Ito ay matapos na umalis ang nasabing tug boat isang araw bago ang paglabas ng resulta ng kanilang RT-PCR test kung saan lumalabas na 11 sa mga sakay nito ang positibo sa COVID-19 habang ang isa naman ay nakababa na sa Butuan.

Ang nasabing sasakyang-pandagat ang orihinal na mula sa Indonesiaat kasalukuyang nasa Albay gulf.

Ayon kay Navforsol chief Commander Commodore Jose Ambrosio Ezpeleta sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tiniyak naman ng vessel owner na mananatili sa loob ng tug boat ang lahat ng crew members.

Kailangan aniya na tapusin ng mga COVID-19 positive patients ang kanilang quarantine at ma-clear sa sakit bago payagang makababa.

Nagpahayag din ng kahandaan ang ahensya na magbibigay ng suporta sa Philippine Coast Guard sa anuman na pangangailangan nito partikular sa monitoring sa kalusugan ng mga crew members.

Samantala, napag-alaman na matapos na makarating ang impormasyon na pagpasok sa binsinidad ng Bicol ng naturang tug boat, agad na nag-deploy ang Navforsol ng kanilang PG385 vessel at tinutukan ang pagpasaok nito mula sa Masbate area patungong Albay.