-- Advertisements --

Target ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng maagng pagboto at mall voting sa 2025 midterm elections para maprotektahan ang mga botante mula sa nakakapasong init ng panahon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, target ng poll body na isagawa ang early voting mula 5am hanggang 7am para sa mga senior citizen, buntis at persons with disabilities subalit optional naman ito.

Ipinaliwang ni Garcia na ang plano ng komisyon para sa early voting ay para mabigyan ng opsyon ang vulnerable sector na makaboto ng maayos at hindi na makipagsiksikanpa sa maraming bilang ng regular voters.

Plano din ng poll body na payagan ang mall voting sa halalan sa susunod na taon dahil may air-conditioning ang mga mall.

Samantala, sinabi naman ni Cimelec spokesman John Rex Laudianco . hidni na papalawigin pa ang voter registration period ng lapas sa Seteymbre 30 dahil kailangan na ng Comelec na magpatuloy sa iba pang paghahanda nito.