-- Advertisements --
Pacquiao exercise
Photo by Precilyn Silvestre-Melo for Bombo Radyo (USA correspondent)

Malaking bentahe umano kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang maagang pagkuha nito sa kaniyang fighting condition sa paglaban niya kay Keith Thurman.

Sinabi ni strength and conditioning coach Justin Fortune, dahil sa kakaibang stamina ng 40-anyos na fighting senator ay hindi malayong makuha na agad nito ang tamang kondisyon, halos isang buwan bago ang laban sa MGM Grand, Las Vegas sa July 21.

Tiniyak naman nito na nabibigyan ng sapat na pahinga si Pacquiao at hindi nila ito pinapagod ng sobra.

Bukod aniya sa mga sparring sessions ay tuloy-tuloy din ang ginagawang jogging ng fighting senator.