CENTRAL MINDANAO- Mabilis na nakapagresponde sa mga biktima ng magkasunod na lindol ang mga local disaster risk reduction and management office o LDRRMO sa mga bayan na sinalanta ng kalamidad sa rehiyon 12.
Sinabi ni Office of the Civil Defense 12 Information Officer Joriemae Balmediano ito ay base sa kanilang naging pagtatasa (assessmen).
Ayon kay Balmediano pagkatapos ng lindol ay agad ding nagsagawa ng damage assessment sa mga gusali, landslide prone areas at mga sugatan ang mga LDRRMO.
Nagpaalala naman si Balmediano sa publiko na sa tuwing may lindol huwag magpanic para iwas injury.
Dagdag ni Balmediano na base sa datus na kanilang natanggap mula sa mga local government unit labing anim katao sa rehiyon ang nagtamo ng minor injury dahil sa lindol.
Karamihan sa mga nasugatan ayon kay Balmediano ay mula sa probinsya ng Cotabato partikular na sa mga bayan ng M’lang at Kidapawan City at posibleng nagpanic ang mga sugatang biktima.