Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na inaasahan ang maaliwalas na panahon sa maraming bahagi ng bansa ngayong Linggo.
Ayon sa Pagasa 4 p.m weather bulletin, easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa Karagatang Pasipiko ay namamayani sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Sinabi ni weather specialist Chenel Dominguez na mataas ang posibilidad ng pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa, partikular sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol region na dala ng easterlies.
Patuloy na makararanas naman aniya ang Luzon ng magandang panahon sa Linggo.
Samantala, ang Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay makararanas din ng magandang panahon.
Gayunpaman, wala naman aniyang binabantayan na low pressure area.
Wala ring gale warning na nakataas sa alinmang seaboard ng bansa.