-- Advertisements --
Inamin ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na maaring maramdaman na sa buwan ng Abril hanggang Mayo ang epekto ng walang humpay na oil price hike sa ilang pangunahing bilihin.
Ayon sa BSP, ang tuloy-tuloy daw na pagtaas sa presyo ng langis ay makakaapekto sa inflation rate na wala na sa target ng BSP.
Ngayong unang tatlong buwan daw ng taon ang forecast ng BSP ay halos walang pagbabago sa presyuhan ng ilang pangunahing bilihin.
Sa hula ng BSP ang February inflation ay maaring umabot lamang sa 2.8% hanggang 3.6%.
Ang Philippine Statistics Authority ay nakatakdang mag-report sa Biyernes ng kanilang February inflation data.