-- Advertisements --
Nilinaw ni Senator-elect Francis Tolentino na hindi silang mga papasok sa Senado ang sanhi ng mga lumabas na usapin ukol sa posibleng pagpapalit ng Senate president at pagkakaroon ng committee chairmanships.
Ayon kay Tolentino sa panayam ng Bombo Radyo, inirerespeto niya ang sistema sa mataas na kapulungan ng Kongreso, kasama na ang equity of incumbent.
Sa nakalipas umanong welcome dinner nila sa bahay ni Sen. Manny Pacquiao, mainit naman ang pagtanggap ng incumbent senators sa kanila.
Sinabi pa nitong nagkasundo na sila para pamumunuang komite.
Hiniling umano niya na makuha ang Senate committee on local government na dating hawak ni Sen. Sonny Angara.
Narito ang iba pang komite at mga mamumunong senador:
- Ronald dela Rosa (public order and dangerous drugs);
- Francis Tolentino (local government);
- Christopher “Bong†Go (health, urban planning, and sports);
- Aquilino Pimentel 3rd (foreign relations);
- Panfilo Lacson (national defense and security);
- Juan Edgardo “Sonny†Angara (finance);
- Grace Poe (public services and banks);
- Richard Gordon (blue ribbon and justice);
- Cynthia Villar (agriculture and environment);
- Nancy Binay (climate change);
- Manny Pacquiao (public works):
- Lito Lapid (games and amusement):
- Ramon “Bong†Revilla Jr. (civil service);
- Imee Marcos (agrarian reform)
- Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva (education)