-- Advertisements --

Nananatiling maayos ang lagay ng mga Plipino na nagtratrabaho sa Poland matapos ang nangyaring pagtama ng missile sa isa sa kanilang mga village na ikinamatay ng dalawang katao
Ayon kay Annafe Amolar, Bombo International News Correspondent o BINC sa Poland, balik normal ang operasyon doon at nananatiling mapayapa.
Sa ngayon aniya ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente
Sinabi nito na inaalam pa kung ano nga ba ang tunay na nangyari bagamat malakas ang paniniwala ng iba na malinaw na kagagawan ito ng Russia.
Malalaman aniya sa pagtatapos ng imbestigasyon kung kaninong missile ba ang bumagsak sa Poland na ikinasawi ng 2 katao.