-- Advertisements --

Malaki ang paniniwala ng isang infectious disease expert na kayang-kaya ng bansa na magkaroon ng mababang antas ng alerto kahit na may presensya ng bagong variant ng coronavirus sa Hong Kong.

Ito ay kapag mapanatili nito ang mababang transmission ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, member ng Department of Health (DOH) – Technical Advisory Group na ang alert levels ay nakabase sa nagpapatuloy na community transmission.

Inilabas ni Salvana ang pahayag nang tanungin kung kaya ng bansa na magkaroon ng hindi gaanong mahigpit na antas ng alerto sa gitna ng bagong variant na B.1.1.529 at ang nalalapit na kapaskuhan.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi ito dahilan para maging kampante.

Sinabi ni Salvana na mino-monitor na ng mga health experts ng bansa ang nasabing variant.