Kakaunti pa rin ang bahagi ng sektor ng arikultura sa national budget na itinuturing na isang salamin ng “non-priority of agriculture and food” ng gobyerno.
Kasabay nito na inaasahan ng DA ang pagtaas ng 6.15% ng kanilang budget para sa susunod na taon.
Ito ang ipinunto ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) habang pinag-isipan ng Kamara ang panukalang budget para sa DA na isang ahensya na pinamumunuan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kung matatandaan, ayon kay Speaker Martin Romualdez, ang panukalang national budget para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng P5.768 trilyon, ay uunahin ang pagpapalakas ng produksyon ng agrikultura at pagbabawas ng gastos sa transportasyon.
Ayon sa datos ng DA, umaasa ito sa budget na P167 bilyon para sa 2024 na kung saan bumaba ng 54 porsiyento kumpara sa naunang panukalang P396 bilyon.
Gayunpaman, mas mataas pa rin ang P167 bilyon kumpara sa P157 bilyon para sa taong kasalukuyan.
Sinabi ng DA na mula sa proposed budget, bulk, o 71.50 percent, ay para sa maintenance at iba pang operating expenses, habang ang capital outlay at personnel services ay tatanggap ng 24.51 percent at 3.99 percent.
Gayunpaman, ipinunto ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na ang panukalang budget para sa agrikultura at pagkain, kabilang ang budget para sa Department of Agrarian Reform, ay kakaunti pa rin kumpara sa mga alokasyon para sa paggasta ng militar, pagbabayad ng interes sa utang, at mga imprastraktura ng ating bansa.