Inaasahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mas mababang excise tax collection ngayong taon.
Ito ay dahil sa paglipat ng mga Filipino sa paggamit ng mga sin products partikular na ang tobacco.
Ayon kay BIR Assistant Commissioner Jethro Sabariaga, na mayroong malaking puwang sa pagitan ng actual excise taxes at collection goals ngayong taon.
Sa kasalukuyan ay bumagsak na sila ng P10 bilyon sa excise tax collection sa tobacco dahil sang nangungunang industriya ngayon ay ang automobile at sugar-sweetened beverages na siyang maliit lamang na bahagi ng kabuuang collection ng BIR.
Para sa taong ito ang target na makulekta ay P324.55 bilyon sa excise taxes na mas mataas ng 11 percent noong nakaraang taon.
Noong nakaraang taon kasi ay bumaba ang excise taxes na 6.34 percent o P291.73 bilyon na 13 percent na mas mababa sa collection goal na P335.04 bilyon.