-- Advertisements --

Magkakaroon ng mababang pamasahe ang mga airline companies sa buwan ng Abril.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na ibinaba nila sa Level 4 mula sa dating Level 5 ngayong buwan ang fuel surcharge.

Sa nasabing Level 4 ay ang fuel surcharges ay maglalaro mula P117 hanggang P342 para sa mga domestic flights habang mayroong P385.70 hanggang P2,867.82 naman para sa international flights.

Ang nasabing pagbawas sa fuel surcharges ay isang magandang pagkakataon para sa mga biyahero lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Paliwanag ng CAB na kinokolekta ng mga airline companines ang fuel surcharges para mapunan ang pabago-bagong halaga ng mga petrolyo sa pandaigdigan pamilihan.

Inatasan na ng CAB ang mga airline companies na magsumite ng kanilang aplikasyon ng binawas surcharges bago ang pagsisimula ng buwan ng Abril.