-- Advertisements --
image 566

Aprubado sa pangatlo at huling pagbasa ang panukala na naglalayong magtayo ng collateral-free financing program para sa micro and small enterprises (MSEs).

278 na mambabatas ang sang ayon sa House Bill No. 7363 o ang Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso Act na magbibigay ng affordable, accesible at financing program para sa MSEs lalong lalo na ang mahihirap sa malayong lugar.

“We believe this measure will greatly help our struggling MSEs still reeling from the effects of the pandemic, who often turn to unscrupulous loan sharks who charged excessive interests for loans,” sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Sa ilalim ng panukalang batas na ito ay bubuo ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) Fund na maaaring ipahiram sa MSEs na kwalipikado sa terms and conditions nito.

“The SB Corp., the financing arm of the Department of Trade and Industry (DTI), shall be the lead implementing agency for the P3 Fund,” ayon sa nakapaloob sa panukala.

Dagdag pa dito, ang Small Business Corp . ang hahawak ng fund delivery sa mga MSEs sa pamamagitan ng dalawang modes.

Una ang direct lending ng 40% at ang lending sa pamamagitan ng accredited partner financial institution na 60%.

“The effective interest rate to be imposed on the loan availed of by the P3 Fund beneficiaries shall not exceed one percent (1%) per month for direct lending, and shall not exceed two and a half percent (2.5%) per month for lending through accredited PFIs,” ayon pa sa panukalang batas.