-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binaha ang mga mababang lugar sa Kidapawan City kagabi dulot ng walang humpay na pag-ulan.

Ayon kay PDRRM Warning at Action Officer Engr. Arnulfo Villaruz na tumanggap siya ng ulat mula kay Kidapawan CDRRM Head Psalmer Bernalte ay nakaranas ng pagbaha sa Nuangan river at umapaw sa Baluyot Street ng lungsod.

Dahil dito patuloy na nakamatyag ang grupo ni Villaruz sa mga mababang lugar na bumabaha tuwing malakas ang buhos ng ulan.

Umapaw na rin ang baha malapit sa taran subdivision sa Kidapaan City na malapit sa ilog.

Inalerto na rin ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang mga residente sa gilid ng ilog at bundok na mag-ingat sa pagragasa ng baha at landslide.