Bumaba sa P1.55 billion ang nakokolektang buwis mula sa Philippine offshore gaming operators (Pogos) sa unang quarter ng taong 2022 ayon sa ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on ways and means ngayong araw, kinuwestyon ni Senator Nancy Binay ang mababang tax collection mula sa Pogos mula buwan ng Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.
Ayon sa Senadora, nasa tinatayng P32 billion ang projection na malilikom na buwis para sa taong 2022 subalit mistulang malayo aniya ang agwat.
Iginiit din ng Senadora na mahalag ang nakokolektang buwis mula sa POGOs dahil ginagamit ito para sa Universal Healthcare for Facilities Enhancement Fund.
Nagpaliwanag naman si BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo na ang dahilan ng mababang tax collection ay bunsod ng temporary restraining order na inisyu ng Supreme Court at gambling crackdown ng Chinese government.
Inihayag din ng BIR official na humina ang operasyon ng Pogo sa bansa dahil sa covid19.
Sa kabila nito, iginiit ng BIR Commissioner na kasalukuyang tumataas ang tax collection mula sa Pogo.