-- Advertisements --
pbbm x xi jinping

Ipinagmalaki ngayon ng kasalukuyang administrasyon ang mas mababang presyo ng fertilizer na isa sa mga nakunang business deal ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr sa pagpunta nito sa bansang China.

Nakapag-secure daw ang Pangulong Marcos ng business agreements sa China ng mas mababang presyo ng pataba na isa sa vital part o mahalagang tulong para sa mga magsasaka sa bansa at masiguro ang food security.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang fertilizer deals ay nakuha ng Pangulong Marcos sa roundtable discussion sa Beijing kasama ang mga chief executive officers ng agribusiness sector mula sa China.

Todo naman ang pasasalamant ni Pangulong Marcos sa dalawang Chinese fertilizer manufacturing companies na pumirma sa cooperation agreement sa Philippine International Trading Corporation (PITC) para masiguro ang sustainable supply ng mas higit na pangangailangan ng fertilizers sa murang halaga.

Dahil dito, tiwala daw ang Pangulong Marcos na magkakaroon na ng matatag na supply ng fertilizer inputs na kinakailangan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng naturang agreement.

Ipinunto naman ng Pangulong Marcos na ang bayad ng agricultural inputs lalo na sa pataba ay naging prohibitive at unaffordable para sa mga local farmers.

Samantala, nakakuha rin ang Pilipinas ng $2.09-billion o P115 billon na purchase intentions para sa mga prutas sa bansa gaya ng durian, niyog at saging.

Sa isang pagpupulong sinabi ng punong ehekutibo na nananatiling mataatag at gumaganda pa ang Philippine economic fundamentals sa bansa.

Muli namang siniguro ng pangulo ang tulong ng Philippine government para suportahan ang business activities sa bansa.

Magsisilbi umano bilang focal points ang Philippine economic management team kabilang na ang Department of Agriculture (DA) ng contact para sa ano mang concerns kaugnay ng pagsasagawa ng business at pag-expand sa commercial footprint sa bansa.

Kasabay nito, inanyayahan na rin ng pangulo ang mga Chinese officials para tignan ang ang Pilipinas bilang valuable contributor sa global businesses at bilang isang partner sa muling pagpapalakas ng ekonomiya ng dalawang bansa.

Dagdag ng Pangulong Marcos, ang partnership daw ng dalawang bansa ay critical sa pag-adapt at pag-recover mula sa pandemic na dulot ng Coronavirus disease 2019.

Kaya naman buo ang paniniwala ng presidenteng makakalikha ang Pilipinas at China ng mas matatag at sustainable economy.

Sa kanya namang bahagi, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na kasam ang Pangulong Marcos sa roundtable discussion, inanyayahan nito ang business leaders na gawing investment destination ang Pilipinas para sa plantation development at ang pagtatayo ng processing facilities.

Sa kanyang remarks, inilahad nito ang expansion ng market reach maging ang pakikilahok ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Trade in Goods Agreement (ATIGA) ang ASEAN-China Free Trade Area at iba pang agreements ng ASEAN.