-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Upang matugunan ang problemang kinakaharap ng mga rubber bagsakan trading centers sa lalawigan ng Cotabato, kasalukuyang nagsasagawa ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng Cotabato Rubber Trading and Auction Center (CRTAC) Special Meeting sa Provincial Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.

Ang nasabing pagpupulong ay may layuning tingnan ang mga problemang kinakaharap ng mga operators ng CRTAC na inilunsad noong 2017 sa ilalim ng pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza upang matugunan ang mababang presyuhan ng rubber cuplump sa lalawigan.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Sangguniang Panlalawigan Committee on Agriculture and Food Board Member Jonathan Tabara, kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na ang pamahalaang panlalawigan ay nakatutok sa pagtugon sa pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng magsasaka sa probinsya.

Dagdag pa nito, na ang nasabing pagpupulong ay isa sa mga paraan ng probinsya upang makuha ang mga isyu at problemang kinakaharap ng mga operators upang matugunan din ang problemang kinakaharap ng mga rubber farmers.

Nasa nasabi ring pagpupulong si Former Provincial Agriculrurist and Consultant Eliseo Mangliwan at CRTAC Provincial Focal Person Agustino Arances.