BOMBO DAGUPAN – Binigyang diin ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na hindi naman umano nakatulong ang pag-iimport ng bigas sa lokal na produksyon nito sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kay Engr. Rosendo So, ang Chairman ng SINAG, kung magpapatuloy umano ang pag-iimport at hindi natututukan ng pansin ng pamahalaan ang mga local producers ng bigas ay hindi talaga magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng bigas.
Ang ibinahagi ng Department of Agriculture (DA) na hydbrid seed sa mga lugar ng Nueva Ecija, Tarlac at Pangasinan ay wala naman umanong naiambag sa produksyon ng naturang produkto.
Mungkahi ni So na mas maigi na lamang na palawakin ang inbrid seed sa pagpapalakas ng lokal na produksyon.
Sa kasalukuyan, isa pa rin ang Pilipinas sa mga nangungunang importers sa buong mundo at ani So kung ikukumpara sa populasyon ng China, mas malaki ang kanilang populasyon kaysa sa Pilipinas ngunit ito pa ang may pinakamalaking imported brands.
Pagbabahagi pa ni So na hindi lang naman sa bansa nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng bigas dahil nagkaroon din ng pagtaas ng production cost ng ibang bansa kung kaya’t mataas din ang ibinibigay nilang presyo sa Pilipinas.
Aniya ang delivery pa lamang ay umaabot na sa 2,100 hanggang 2,200 per kaban at umaabot sa 46 pesos ang retail price ng imported na bigas galing sa Thailand.
Pagbabahagi pa ni So na ang pataba ng lupa na dapat sanang ibinigay ng DA sa mga magsasaka noong Disyembre na naantala, nagdulot ng problema sa mga magsasaka dahil hindi kaagad nila ito nai-apply sa kanilang taniman kung kaya’t isa rin itong dahilan ng pagtaas ng production cost.
Sa kasalukuyan aniya ay umaabot na sa 29 percent ang imports ng bansa.
Mungkahi naman nito na upang magkaroon ng maayos na pamunuan ang agrikultura, kinakailangang palitan ang ilang miyembo nito.
Samantala apektado na rin ang ilang negosyo ng livestock sa Pilipinas dahil sa pansamantalang pagpapatigil ng livestock sa Pilipinas dahil sa kumakalat na avian influenza virus.
Ayon kay Engr. Rosendo So, ang Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), kinakailangan na umanong ayusin ang unang boarder upang maiwasan na ang pagkalat ng naturang virus dahil kung hindi umano ito gagawin ay patuloy lamang ang pagpasok ng iba’t ibang sakit sa bansa.
Aniya hanggang sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin ang kanilang hanay ng aksyon ng gobyerno ukol dito ngunit ani So na mabagal ang isinasagawang aksyon katulad ng pagbibigay ng memorandum of agreement dahil wala namang bayad na iniaabot ang pamahalaan.