Inanunsyo ng Makati City LGU na plano nilang pag-aralan ang paniningil ng mas mababang Real Property Taxes sa kanilang lungsod.
Kabilang na rito ang iba pang local taxes na kinakailangang bayaran sa kanilang LGU.
Layon ng inisyatiba na ito na mabawasan ang mga bayarin ng mga residente sa kanilang lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na napapanahon na ang naturang plano .
Ayon sa alkalde, aabot sa ₱7.9-billion ang halaga ng magiging savings ng kanilang lungsod taon-taon matapos na matanggal sa kanilang hurisdiksyon ang mga EMBO Barangay.
Ipinaglaki rin ni Mayor Binay ang patuloy na paglago ng kanilang ekonomiya .
Ito’y na rin sa masigasig na pagsusulong nila ng sustainable development.
Kabilang na rito ang mga makabagong pamamaraan sa ng paglilingkod sa kanilang mamamayan.
Batay sa datos, noong nakaraang taon ay pumalo sa lagpas 31.74 percent sa target ang nalikom na pondo ng lungsod mula sa business tax.
Tiniyak naman nito na nakatuon ang kanilang lokal na pamahalaan sa sa inklusibong pag-unlad at mga inobasyon.